Flooded Streets of Metro Manila & other stuffs about the place I worked & lived in. Tag-ulan nanaman so this is the Rainy Season Edition of my blog!
Friday, June 12, 2009
Lazy?!?!?! Saturday at the office (Crazy pala!)
Saturday again but as always need to report for work, since holiday kahapon JUne 12 (Happy Independence Day! Happy ba talaga tayo?! Nakipagkulitan sa mga kids ko lang kahapon at nakipag-agawan sa kanila sa paggamit ng laptop hehhehe) naunahan nanaman ako file ng vacation leave ng Secretary & 3 (kasama na yun janitor/maintenance) more people dito sa office.
Pagdating ko pa lang ng office at pagkatapos magtime in sa bundy clock diretso sa room ko, pagbukas ng pinto pa lang, ay sus nanaman hindi naglinis si Jani! Huhuhu sabi ko sa sarili "yari multi-tasking nanaman ako huhuhuh!" As in ako na-ulit maglinis at magtapon ng puno basura sa trashcan. Anyway tapos ang kalahati ng umaga ko kalilinis.
Pagdating ng 10am, tunugan naman ang telephones dito sa office, secretary naman ako ngayon hehehe. Puro yun mga absent ang hinahanap ng cliente, 3 telephone sunod-sunod nagring, lagot parang hindi alam kung sino uunahin ko sagutin, "pls. hold & your call will be answered in turn". Kala ko Lazy yun pala Crazy Saturday talaga!!! Buti na lang natapos ko yun tasked na yun. Anong sabado nights eh tulog na lang ako mamaya gabi hehehe. Ay salamat lunchbreak na at usual vegie meals for my health.
Pagdating ng hapon na medyo kakaunti na ang trabaho ko, isa lang naman edit ko Annunciator sa isang cliente na medyo makulit. Banda 2:30pm Dumaan yun isang barkada ko para mangulit lang at manginggit kasi kasama niya girlfriend niya may date daw sila, sa inis ko pabiro ko sinabi "Ay iba kasama mo ngayon na Chix, iba yun nakita ko kasama mo nung isang araw hehehehe". Lagot masamang biro yata nasabi at nag-away umalis yun mag-syota sa opisina ko, hehehe.
Nag-ring ulit ang telephone at may umorder ng DTR Cards, kung pwede daw ideliver today, sabi ko hindi available delivery man namin ngayon kasi naka-leave, sabi ba naman sa akin eh kung ikaw na lang magdeliver, napa Ehem ako at Sabi ko "Sir hindi po ako pwede magdeliver kasi kung aalis ako wala maiiwan dito sa office namin" hehehe. Sabay binagsakan ako ng telepono.
Makaraan ang ilan minuto meron dumating na walk-in costumer at naginquire ng produkto namin. Buti mabait at lahat ng hirap ko mag-demo sa kanya binayaran ng cash. Nagulat yun costumer at ako kumuha sa bodega ng item, ako nagdemo ako din ang nagtype ng sales invoice, Multi-tasking to the Max!!" "Ayos may commission na ako" Sambit ko sa sarili ko at wala yun salesman namin hehehehe. Ako nakabenta nito!"
Ay natapos din ang araw ko at pagtunog ng bell ng bundy clock at 5pm, nagtime out na ako at direcho uwi sa bahay.
Mga etiketa:
komedya sa opisina,
office blues,
Sabado trabaho,
trabaho sa opis
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
About Me
- camotepunxia
- Sounds like Banana-Q but starts w/ a P, NCR, Philippines
- Parang comedy life ko, Dilbert where are you now? Be nobody but yourself! "Smile in your own way!"(quote ng h.s. classmate ko si Dr. Mike)
No comments:
Post a Comment